
Thursday, August 10, 2006
thoughts of paolo @
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Sunday, August 06, 2006
thoughts of paolo @
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Tuesday, August 01, 2006
thoughts of paolo @
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Sa pagkawala ng DLSU, tila isinabay ng Globe Telecommunciations ang kanilang pagboboykot ng kanilang produkto sa laro. Pinamumunuan ang Globe ni Gerry Ablaza, produktong DLSU. Kasabay na hindi makita sa mga palaruan at sa telebisyon ang mga patalastas ng mga produkto ng Nestle.
Pinangangambahan pa na baka pati ang Cheer Dance competition, na naging institusyon dahilan sa pag-eendorso ng Nestle Non-stop, ay mawala rin sa taong ito. Bagay na pinabulaanan naman ng ABS-CBN, ang pangkalahatang nag-eere ng laro ng liga (partikular sa basketball), na sinabing "ibinebenta pa rin ang cheer dance competition."
May pagtaya rin ang naturang television network na mababawasan ang kanilang revenues dahilan ng pagpulas ng mga kumpanya ng kanilang mga patalastas sa laro.
Tila isa ang ekwasyon. Kawalan ng patalastas, kawalan ng revenues. At marami ang nagsasabing ang kawalang ito ay nakakaapekto sa kabuuang pagpapatakbo ng liga.
Napilitang maglunsad ng laro sa mas maliit na palaruan (sa Ninoy Aquino at Rizal Stadium) kumpara sa mas malaki at mas prestihiyosong Araneta Coliseum. Bukod sa ere na maaaring ibigay ng Araneta, kasabay na rin sana nito ang mas ligtas bukod sa mas maganda at mas maraming manonood na puwedeng i-accommodate ng nasabing lugar.
At kung pag-uusapan naman ang manonood, tila halos kalahati lamang ang dumalo sa pagbubukas ng palaro sa Araneta. Maaaring hudyat ito ng pagbaba ng mga nagbabayad na manonood, dagdag na revenue na rin sana para sa pagpapatakbo ng liga.
Maaaring pabulaanan ng University of the East o ng ABS CBN ang estadistika ng turn-out ng maaaring manood sa haba ng torneo, ngunit lalabas ang katotohanan na ang pagkawala ng DLSU ay pagkawala rin ng labingapat na laro. Hindi pa kasama sa maaaring patok sa takilyahan ng liga ang pagkawala rin ng rivalry ng Ateneo at DLSU, na sa tuwing magkakaharap ay napupuno ang palaruan ng manonood.
Tila lumalabas na pera-pera ang nagiging pamantayan ng paghinuha ng pagkawala ng DLSU sa torneo, imbes na pagnilayan kung bakit nga ba sila nabigyan ng suspensiyon sa liga. Lantad sa mga reaksiyon ng mga fans ng liga, iniikot nila ang kanilang mata sa pagtingin sa kawalan ng kita ng liga, at ginagawa nilang pamantayan ang pagkawala ng malalaking sponsors.
Bukod pa sa ilang mga produktong gamit-pampalakasan (tulad ng Gatorade at mga tatak ng sports equipment), hindi naman direkta ang impact ng produktong tulad ng telecommunication o ng sorbetes sa pagpapaunlad ng palaro. Isang pagpapayabong lamang ng kanilang marketing arm ang pinapausad nila sa bawat banner o bawat flash sa telebisyon ang kanilang habol sa liga.
Pinaiikot ng nagpapanatili ng kaisipang kailangan ng liga ang mga patalastas at sponsors ang diskursong para rin daw sa liga ang makokolektang revenue. Ngunit, sa katunayan, cash cow lamang ang UAAP, isang pagpapanatili ng konsumerismo. At kung tunay na sa palaro nga lang iikot ang kanilang diskurso, tila pinaikot nila ang kanilang retorika galamay ng DLSU, at siyempre sa lakas ng pagbili ng mag-aaral nito kumpara sa iba pang pamantasan liban sa Ateneo. Sa huli, tila hindi nila batid na nagpupunyagi pa rin ang pito pang pamantasang nanatili upang ipagpatuloy ang palaro para sa mag-aaral ng kanilang mga paaralan.
Maaari nga namang totoo na hindi iikot, at hindi uusad ang torneo kung walang malalaking sponsor na magbubuhat ng pinansiyal na kapasidad ng liga. Ngunit papasok sa gitna ng liga, tila pinatutunayan ng UAAP na hindi pagbebenta ng sarili nitong reputasyon at prestihiyoso ang solusyon sa krisis na dinadala nito sa kasalukuyang taon, kundi ang patuloy na paggampan nito na iusad ang palaro, mawala man kahit pansamantala ang isang DLSU.
0 comments
As students, we spend about 15 years in school trying to suit a system, which eventually when we graduate, becomes totally obsolete. Then we enter the workforce (most of us do) and spend the rest of your lives following another system.
Is it worth it? Perhaps systems are there to guide us. But to a certain point, these so called guidelines become our limitations.
0 comments
0 comments

