
Tuesday, April 25, 2006
thoughts of paolo @
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
thoughts of paolo @
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Monday, April 24, 2006
thoughts of paolo @
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Saturday, April 22, 2006
thoughts of paolo @
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
You're a Playful Kisser
Kissing is a huge game for you, a way to flirt and play
You're the first one to suggest playing spin the bottle at a party
Or you'll go for the wild kiss during a game of truth or dare
And you're up for kissing any sexy stranger if the mood is right!
0 comments
You Passed 8th Grade Science
Congratulations, you got 8/8 correct!
0 comments
Pero mayroon isang bagay na talagang bigong-bigo sa aking mga karanasan, yan ang kwento ko sa pag-ibig, masyadong madaya ang mundong ito, hindi ko alam kung bakit kinakailangan pa nating magkaroon pa ng kasintahan?
Sabi daw may kondisyon ang pagkakaroon ng kasintahan, kailangan mahanap yung tamang babae, pero ang tanong ko lang bakit ganoon? kailangan pa bang hanapin kung ano dapat at ano ang mararapat, hindi ba pwedeng kung sino ang mahal mo siya na? oo nga eh, nakahanap nga ako eh, labing tatlo pa, at ang kadalasan dito, puro illegal.
Di ka pwedeng magkaroon ng kasintahan kung sila kapamilya, alam mo na siguro ang dahilan, taboo ito eh. Di ka pwedeng magkaroon ng kasintahan kung sila ay mahirap, dahil malulugi ka raw sa pera. Di ka pwedeng magkaroon ng kasintahan kung sila ay mayaman, pera lang ang iniintindi, pera lang ang inaabot, kadalasan daw sa mayayaman prinoprotekta ang pera at minsan lang sa pamilya ewan ko lang kung totoo ito. Di ka pwedeng mag karoon ng kasintahan kung sila ay may kasintahan na rin, yan ang problema ko ngayon...
At kung ano pa ang mga dahilan ko, Nagrereklamo ako ngayon tungkol dito, bakit nga ba kinakailangang pang magkaroon ng batas tungkol sa pag-ibig, akala ko ba love is everywhere? at sa mga napapanood kong mga kwento tungkol sa mga love-life na nagkakaroon daw na happy ending, natutunan ko na wala naman sa buhay ang happy ending.
Bigo talaga ako sa pag-ibig, pasensya na asar lang ako, siguro kinakailangan kong bigyan ng mensahe si Joe D MAnggo sa libre at ilahad ko ang reklamo ko tungkol sa pag-ibig. ang dahilan kailangan ko ng tulong yun lang di na ako magsasalita.
Sige dito nalang ako lalagyan ko na ng plaster ang aking bibig para di na ako magsalita.
0 comments
Alam ba talaga nang pangkaraniwang Pilipino ang ibig sabihin ng "charter change?" Alam ba natin ang Parliamentary? Ikaw? Alam mo ba kung anu yon? Siguro dapat bago ka magsalita sa isyung ito ay may sapat kang kaalaman kung ito ba ay makabubuti o makasasama sa ating bansa..
Pumunta ka ng Mendiola, makikita mo ang mga ralyista na di ko alam kung nandun ba talaga sila dahil may sapat silang alam sa bagay na ito kaya napagpasyahan nilang magwelga o nagpauto sila sa mga sakim na pulitiko na inisip lang ang kanilang kapakanan hindi ang bayan. Hirap kasi dito satin eh, nagsisilipan ng kanikanilang baho makakontra lang. Eh kung nagtulungan kaya kayo, edi umayos buhay nating lahat! Hindi lang kayo ang tao sa bansang ito. Isipin ninyo rin naman kami.
Kailangang malaman ng mga Pilipino kung ano ang maganda at di magandang maidudulot nito sa bansa, para magkaron ng pansariling desisyon ang Pilipino sa bagay na ito. Siguro panahon na para tulungan ng media ang pamahalaan para bigyang kaalaman ang ating mga kababayan...
Ito ay isang opinyon lamang. Magsaliksik muna bago pumunta sa lansangan. Alamin ang mga bagay na dapat alamin. Wag padalos dalos Juan dela Cruz, parang awa mo na huwag magpauto sa mga pulitiko. Magkaron ka ng sariling pagpapasya. Malay mo, di mo namamalayan, sinisira mo na pala ang kinabukasan mo.
1 comments

